^

PSN Palaro

Philcycling Road Finals pepedal ngayon

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines —  Papadyak ang PhilCycling National Championships for Road 2024 flags ngayong umaga sa Tagaytay City.

Higit sa 400 riders ang sasalang sa criterium, indivi­dual time trial (ITT) at road races sa loob ng limang araw.

Pamumunuan ni Cambodia Southeast Asian Games double bronze medalist Ronald Oranza ang mga siklista sa event na inorganisa ni PhilCycling president Abraham “Bambol” Tolentino na pangulo rin ng Philippine Olympic Committee (POC).

Inaasahang gagawa rin ng eksena sa torneong ini­hahandog ng Standard Insurance at ng MVP Sports Foundation sina Maura de los Reyes sa women elite ca­tegory at Kim Bonilla sa women junior class.

Ang mga top finishers ang magiging top contenders para sa national road cycling team na isasabak sa 2025 SEA Games sa Thailand.

Unang ilalatag ang criterium events na isang 2.1-km circuit sa  Tagaytay City Atrium kasunod ang ITT competitions buka sa Tuy at Nasugbu sa Batangas.

Suportado rin ng Tagaytay City, Chooks-To-Go, Excellent Noodles, CCN at Fitbar, pakakawalan ang road races sa men at women junior, under-23 at elite categories sa Miyerkules at Biyernes.

Ang mga mananalo sa karerang suportado rin ng Philippine National Police—Tagaytay City, Cavite, Batangas at local government unit commands—ay magsusuot ng national champion’s jersey bukod pa sa gold, silver at bronze medals.

vuukle comment

PHILCYCLING

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with