^

PSN Palaro

Mikee Mojdeh bumanat ng ginto sa Bangkok

Beth Repizo-Meraña - Pilipino Star Ngayon
Mikee Mojdeh bumanat ng ginto sa Bangkok
Kagat ni Mikhael Jasper ‘Mikee’ Mojdeh ang kanyang gold medal.
Chris Co

BANGKOK, Thailand — Patuloy ang pananalasa ni Immaculate Heart of Ma­ry College-Parañaque standout Mikhael Jasper ‘Mikee’ Mojdeh nang masungkit nito ang gintong me­­dalya sa 2024 Asian Open School Invitational (AOSI) Aquatics Championships na ginaganap sa Assumption University Aquatic Center (ABAC) sa Suvarnabhumi Campus  dito.

Inirehistro ni Mojdeh ang impresibong isang minuto at 24.34 segundo upang ma­siguro ang unang puwesto sa boys’ 8-year 100m backstroke event.

Inilampaso ni Mojdeh sina Anand Chinziong ng Mongolia na nagkasya sa pilak tangan ang malayong 1:36.08 at Nittipong Kongkyot ng host Thailand,na nagsumite ng 1:37.06 para sa tanso.

“It is my first gold medal in international tournament and I am happy to win it in a strong field like this, com­peting against some of the region’s best young swimmers. But I’m not yet done, I want to win more for our country,” ani Mojdeh.

Inangkin ni Mojdeh ang kanyang ika-2 ginto sa 50m backstroke sa isinumiteng 37.70 tiyempo para igupo sina Kittipong Kongkyot (42:85) ng host country at Soninbayar Orgilbayar (43:44) ng Mongolia.

May limang medalya na si Mojdeh.

Maliban sa ginto, humirit din si Mojdeh ng pilak sa 50m freestyle at tanso sa 50m breaststroke at bahagi ito ng nakatanso sa 4x50m medley relay.

Nagparamdam din ng lakas ang kuya nitong si Behrouz Mohammad Moj­deh na kumana ng pilak sa boys’ 200m butterfly sa iti­yempong 2:27.43.

SPORTS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with