PNVF Champions League papalo sa Linggo
MANILA, Philippines — Kumpirmado ang paglahok ng Cignal HD, Chery Tiggo, Petro Gazz at Philippine Army sa Philippine National Volleyball Federation (PNVF) Champions League na papalo sa Linggo sa Rizal Memorial Coliseum.
Sasabak din sa women’s division ang College of Saint Benilde Lady Blazers na siyang nagkampeon sa huling edisyon ng torneo noong Nobyembre sa parehong venue.
Sinab ini PNVF president Ramon “Tats” Suzara na agad na isusunod ang men’s tournament sa Pebrero 11.
Babandera sa men’s side ang Cignal HD Spikers na hangad na mabawi ang korona matapos yumuko sa University of Santo Tomas sa Challenge Cup noong Nobyembre rin.
Kasama ng Cignal HD sa men’s Pool A ang PGJC Philippine Navy, Savouge Spin Doctors at College of Saint Benilde habang nasa Pool B ang VNS Asereht Griffins, Iloilo D’Navigators, Philippine Air Force at Philippine Army.
“The PNVF is starting 2024 in earnest with the Champions League as we kick off another busy volleyball schedule,” ani Suzara na ipinagmalaking babalik ang Volleyball Nations League sa Hunyo at ang Volleyball World Beach Pro Tour sa Disyembre.
Ito ang ikatlong edisyon ng Champions League kung saan nanalo ang Team Dasma Monarchs sa unang edisyon noong 2021 at Cignal HD noong 2022 sa men’s division.
Kampeon naman ang F2 Logistics noong 2021 at California Precision Sports-Antipolo City noong 2022 sa women’s side.
- Latest