^

PSN Palaro

Lakers pinaulanan ng tres ang Bulls

Pilipino Star Ngayon
Lakers pinaulanan ng tres ang Bulls
Naghanap ng paraan si D’Angelo Russell ng La kers para makawala kay Alex Caruso ng Bulls.
STAR/ File

LOS ANGELES - Nagsalpak si D’Angelo Russell ng walong three-pointers para tumapos na may 29 points sa 141-132 pagpa­pa­bagsak ng Lakers sa Chicago Bulls.

Kumolekta si LeBron James ng 25 points at 12 assists ilang oras matapos isama sa kanyang record na ika-20 NBA All-Star team.

Si James ang unang 20-time All-Star sa NBA history para ungusan ang dating record ni Kareem Abdul-Jabbar.

Nauna nang nilampa­san ni James si Abdul-Jabbar bilang leading scorer sa league history noong nakaraang season.

“Guys are feeling very com­fortable out there. We’ve got guys that can make shots. We’ve got guys that can make plays. Doesn’t matter who’s shooting,” ani James.

Nagdagdag si Anthony Davis ng 22 points kasunod ang 20 markers ni Austin Reaves para sa La­kers (23-23), habang tumipa si Jarred Vanderbilt ng season-high 17 points.

Pinamunuan ni DeMar DeRozan ang Bulls (21-25) sa kanyang 32 points, habang may 25, 20 at 17 markers sina Coby White, Nikola Vucevic at Alex Caruso, ayon sa pagkakasu­nod.

Kinuha ng Lakers ang 73-57 halftime lead tampok ang 42-point second quarter kung saan sila ku­mon­­ekta ng 15-of-18 field goal shooting.

Sa San Francisco, isi­nalpak ni Domantas Sabo­nis ang isang go-ahead dunk sa huling 22 segundo, habang kumana si Harrison Barnes ng career-high 39 points sa 134-133 paglusot ng Sacramento Kings (25-18) sa Golden State Warriors (19-23).

Sa Miami, humataw si Jayson Tatum ng 26 points at may 19 markers si Kristaps Porzingis sa 143-110 paglamog ng Boston Cel­tics (35-10) sa Heat (24-21).

Sa New York, nagka­dena si Karl-Anthony Towns ng 27 points kasu­nod ang 24 markers ni An­thony Edwards sa 96-94 pag-eskapo ng Western Conference-leading Minnesota Timberwolves (32-13) sa Brooklyn Nets (17-27).

Sa New York, kumana si OG Anunoby ng 26 points at may 21 markers si Jalen Brunson sa 122-84 pagdaig ng Knicks (28-17) sa nagdedepensangDenver Nuggets (31-15).

Sa Indianapolis, kumo­lekta si Pascal Siakam ng triple-double na 26 points, 13 rebounds at 10 assists para sa 134-122 paggupo ng Indiana Pacers (25-20) sa Philadelphia 76ers (29-14).

NBA

RUSSELL

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with