Obiena may award sa MILO

EJ Obiena.
STAR/ File

MANILA, Philippines — Kasabay ng pagdiriwang ng kanilang ika-60 ani­bersaryo ay pararangalan ng MILO si World No. 2 pole vaulter EJ Obiena sa San Miguel Corporation-Philippine Sportswriters Association (PSA) Awards Night.

Igagawad sa 28-anyos na si Obiena ang ‘Gold, Grit, and Glory Award’ sa Enero 29 sa grand ballroom ng Diamond Hotel.

Ang nasabing award ay ikatlong ibibigay sa pro­dukto ng  University of Santo Tomas bukod sa Ath­lete of the Year at pa­mu­munuan ang iba pang at­letang tatanggap ng  citations mula sa sports writing fra­ternity na pinangunguna­han ni Nelson Beltran, ang sports editor ng The Philippine Star.

Ang traditional awards night ng 75-year-old media organization ay inihahandog ng ArenaPlus, ang 24/7 sports app sa bansa, ka­sama ang Philippine Sports Commission, Philippine Olympic Committee, MILO, Cignal at PLDT/Smart bi­lang major sponsors ka­tuwang ang Philippine Bas­ketball Association, Pre­mier Volleyball League, ang 1-Pacman Partylist ni Rep. Mikee Romero at ng Rain or Shine.

Show comments