KCFC sisipa sa Singapore tourney

Ang mga miyembro ng Koronadal City Football Club bago ang kanilang practice.
STAR/ File

MANILA, Philippines — Sasalang ang mga ba­tang footballers mula sa Koronadal City sa JSSL 7’s 2024 Tournament sa Marso 28 hanggang 31 sa Singapore.

Lalahok ang 12 players ng Koronadal City Football Club (KCFC) sa 17-nation 7-aside football event na ikinukunsiderang pinakamalaking youth tournament sa Asya.

Kabilang sa babandera koponan sina Marco Jaime Lorico, Ferlan Carl Mahusay, Skylar Eris Wagas, Holden Isaiah Dormitorio, Josef Adeien Tagolino, Harry Kenzo Ho at Zoie Kieffer Moreno.

Kasama rin sina Chaz Dumanig, Eezekiel Cielo Luis Lecena, Chrisdom Lou Pelaez, Rainer Albert Su­ganob at John Daniel Capitan.

Si Ricardo Pusoc Jr. ang tatayong head coach katuwang si team manager Edelyn Bayona sa nasabing under-11 category.

Bukod sa karanga­lang makapaglaro sa isang world class event ay ha­ngad din ng KCFC na ma­ka­gawa ng sorpresa sa tor­neo at makapagpakita ng winning culture sa iba pang mga batang players.

Ang KCFC ay nagwagi ng 18 titles sa 21 tournaments.

Show comments