Groseclose olats na naman

Peter Groseclose.
Facebook / Philippine Skating Union - PHSU

GANGWON, South Korea — Muling nabigo si speed skater Peter Joseph Groseclose sa sinalihang 1,000-meter short track sa 4th Winter Youth Olympic Games dito sa Gangneung Ice Arena kahapon.

Pumang-apat si Groseclose sa quarterfinal phase sa kanyang tiyempong isang minuto at 28.889 segundo sa ilalim nina Xinzhe Zhang ng China (1:27.738) at Sean Boxiong Shuai ng US (1:26.792.

“Peter was just on the outside of the pack for a little too long,” sabi ni coach John-Henry Krueger. “In short track, you want to minimize your stay outside the pack because you’re skipping the longer distance and putting more effort just to stay with the group. That led to the result.”

Sina Willem Murray (1:27.931) ng Great Britain at Muhammed Bozdag (1:27.592) ng Turkey ang kumuha sa dalawa pang semifinal spots sa grupo ni Groseclose.

Inangkin ni Xinzhe ang gold sa bilis na 1:26.257 kasunod sina Bozdag (1:26.349) para sa silver at Japanese Raito Kida (1:26.478) para sa bronze.

Nakatakdang sumalang ang 16-anyos na si Groseclose sa 500m race ngayong umaga.

Show comments