^

PSN Palaro

Si Jaja Santiago ang GOAT para kay Aby

Chris Co - Pilipino Star Ngayon
Si Jaja Santiago ang GOAT para kay Aby
Jaja Santiago

MANILA, Philippines — Pinangalanan ni Chery Tiggo middle blocker Aby Maraño si Jaja Santiago bilang Greatest of All Time na volleyball player ng bansa sa women’s dvision.

Sa kanyang post sa social media, masayang ibinahagi ni Maraño ang magandang performance ni Santiago sa Japan V.League kung saan naglalaro ito para sa JT Marvelous.

Maganda ang inilalaro ni Santiago na nangunguna sa blocking at attacking departments.

Nasa ika-19 naman ito sa scoring department tangan ang 178 points mula sa 116 attacks, 49 blocks at 13 aces.

Kaya naman todo puri si Maraño na naging teammate nito sa national team sa mga nakalipas na international tournaments gaya ng SEA Games.

“She’s the one and only GOAT (greatest of all time), Philippine pride Jaja Santiago.

Padayon lang, Jajing,” ayon sa post ni Maraño. Nasa Crossovers na si Maraño matapos madisband ang F2 Logistics noong Disyembre.

 Kasama ni Maraño na lumipat sa Crossovers si F2 Logistics outside hitter Ara Galang.

Excited na si Maraño na maglaro sa PVL suot ang bagong jersey nito sa Crossovers. “Actually, nae-excite talaga ako to be a part of Chery Tiggo, parang ‘pag nagda-drive ka lang di’ ba, parang ang sarap umarangkada kasama ang Chery,” ani Maraño sa kanyang naunang panayam.

Makakasama nina Maraño at Galang sa ratsada sina Jen Nierva, Mylene Paat, Jasmine Nabor, Joyme Cagande, ang magkapatid na Eya at EJ Laure at Shaya Adorador na nakasama na rin nito sa national team noon.

SPORTS

VOLLEYBALL

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with