Suwerte ng Jazz tinapos ng Thunder

Nakahulagpos si Shai Gilgeous-Alexander ng Thunder mula kay Keyonte George ng Jazz.
STAR/ File

SALT LAKE CITY - Humataw si Shai Gilgeous-Alexander ng 31 points habang iniskor ni Jalen Williams ang 11 sa kanyang 27 points sa fourth quarter para gabayan ang Oklahoma City Thunder sa 134-129 panalo sa Utah Jazz.

Tinapos ng Thunder (28-13) ang sinasakyang six-game winning streak ng Jazz (22-21).

Nag-ambag si Cason Wallace ng season-high 16 points at kumolekta si Josh Giddey ng 20 points at 10 rebounds para sa Oklahoma City na nagtala ng 29 fast-break points.

Tumipa si Collin Sexton ng 31 kasunod ang 26 markers ni Lauri Markkanen para sa Utah na nagtapos ang nine-game home winning streak.

Nagsalpak si Sexton ng tatlong free throws at isang dunk na nagdikit sa Jazz sa 126-130, samantalang ang ikaapat na three-point shot ni Wallace ang muling naglayo sa Thunder sa 133-126.

Sa Toronto, nagposte si Nikola Vucevic ng 24 points at 14 rebounds at may 24 markers din si DeMar DeRozan para giyahan ang Chicago Bulls (20-23) sa 116-110 pagsuwag sa Raptors (16-26) na dinala si two-time All-Star Pascal Siakam sa Indiana Pacers via trade.

Sa Minneapolis, iniskor ni Anthony Edwards ang 26 sa kanyang 28 points sa second half para pamunuan ang West-leading Minnesota Timberwolves (30-11) sa 118-103 paggupo sa Memphis Grizzlies (15-26).

Show comments