GANGWON, South Korea — Si freestyle skier Laetaz Amihan Rabe ang tatayong flag bearer ng Pilipinas sa parada ng mga atleta sa opening ceremony ng 4th Winter Youth Olympic Games sa Gangneung Oval and PyeongChang Dome.
“Her event comes a few days later so she will be very able and available for the flag-bearing chores,” ani Philippine Olympic Committee (POC) President Abraham “Bambol” Tolentino na dumating dito kasama si secretary-general Wharton Chan.
Solong paparada ang 14-anyos na Switzerland-based Filipino dahil sa Sabado pa ang dating ng 16-anyos na si Peter Groseclose, habang sa Enero 25 naman si cross country skier Avery Balbanida.
“Her initial reaction when I passed the message that she’s the flag-bearer were her super big eyes, her jaw dropping,” sabi ng ama ni Amihan na si Ric. “She’s astounded and she asked how to wave best.”
Sasalang si Rabe sa kanyang unang event na women’s slopestyle sa Miyerkules at sa big air sa Enero 28 sa WelliHilli Park Ski Resort sa Hoengseong.
Sa Linggo naman kakampanya si Groseclose sa 1,000 meters at sa Lunes sa 500 meters.
Inaasahan ang pagdating ni Balbanida kasama ang kanyang amang si Voltaire para sa kanyang event sa Enero 29 at 30 sa Alpensia Biathlon Center.