^

PSN Palaro

POC constitution inamyendahan

Russell Cadayona - Pilipino Star Ngayon
POC constitution inamyendahan
POC President Abraham 'Bambol' Tolentino
STAR / File

MANILA, Philippines — Matagumpay na pinagtibay ng Philippine Olympic Committee (POC) Ge­neral Assembly ang kanilang amended constitution na binago para makapasa sa prinsipyo ng International Olympic Committee (IOC) sa mabuting pamamahala.

Tatlong taon ang hinintay ng POC para makuha ang IOC approval sa pag-amyenda na sumesentro sa gender equity kung saan halos 30 percent ng Executive Board ay babae.

Ang mga opisyal ay bibigyan ng maximum na tatlong sunod na termino at nagtakda ng age limit na 75-anyos para sa mga POC leaders.

“No objection,” ani POC president Abraham “Bambol” Tolentino matapos ang extraordinary General Assembly kamakalawa sa East Ocean Palace Restaurant sa Parañaque City. “Finally, after three years, the POC constitution is amended.”

Nangyari ang approved at ratified amended constitution 10 buwan ng maaga sa POC quadrennial elections na ginagawa sa huling Biyernes ng Nobyembre ngayong Olympic year.

Ang lahat ng national Olympic committees ay inuutusang amyendahan ang kanilang konstitusyon.

Ang POC constitution amendment committee ay pinamunuan ni Rep. R­ichard Gomez kasama sina lawyers Al Agra, Marcus Antonio Andaya at Avelino Sumagui bilang mga miyembro.

Ang bagong POC constitution na huling naam­yendahan noong 2008 ay nakatutok sa promosyon ng mga kababaihan sa sports sa lahat ng antas.

“Athletes’ representation now also has a hea­vier weight within the POC revolving on their active participation in the decision-making processes,” ani Tolentino. “The amended constitution also focuses on diversity and inclusion.”

vuukle comment

PHILIPPINE OLYMPIC COMMITTEE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with