Kai Sotto nakarekober na sa back injury

Kai Sotto.
https: / / twitter.com / magic orlando

MANILA, Philippines — Balik na sa 100 porsi­yento si Kai Sotto matapos sumailalim sa rehabilitas­yon sa kanyang back injury.

Kaya naman asahang mas magiging eksplosibo ito sa kanyang paglalaro para sa Yokohama sa Japan B.League.

Halos tatlong buwan din na nagpahinga ang 7-foot-3 Pinoy cager para tuluyang gumaling ang back injury nito.

“My back is okay now. I went to rehab for two and a half to three months, strengthening it. Now, I’m confident with my body’s condition,” ani Sotto.

Maingat pa ang c­oaches ni Sotto sa Yokohama.

Ilang minuto muna ang ibinibigay nitong playing time kay Sotto upang hindi ito mabigla sa kanyang pagbabalik.

“My coach in Yokohama, he’s sort of restricting my minutes because he’s being cautious with my condition but I always tell him that I’m okay now,” dagdag ni Sotto.

Bago ang team ni Sotto na dating miyembro ng Hiroshima bago inilipat sa Yokohama.

Malaking adjustments ito para kay Sotto subalit handa itong gawin ang lahat upang tulungan ang kanyang bagong team na makapasok sa playoffs.

Maingat din si Sotto sa kanyang paglalaro.

Nais nitong mapanati­ling maganda ang kanyang kundisyon upang makaiwas sa anumang injury.

Show comments