Nasa bansa si Dwight Howard, ang former NBA superstar, para maglaro sa Strong Group, ang Philippine representative sa 33rd Dubai International Championship na lalaruin sa UAE sa Jan. 19 to 28.
Pero bukod dyan, may isa pang gusto si Howard, na halos 20 years naglaro sa NBA at nakaisang title sa Los Angeles Lakers noong 2020.
Gustong maglaro sa PBA.
Kaso, listed si Howard bilang 6’10” sa NBA, meaning sobra siya ng one inch sa height limit ng PBA Commissioner’s Cup na 6’9.”
Isa siya sa tatlong imports ng Strong Group sa parating na commercial tournament kung saan walang height limit.
Galing sa Taiwan si Howard. Doon naglaro after mag-retire sa NBA two years ago. May asim pa.
Sabi ni Howard, swak siya sa PBA dahil padded ang height ng players sa NBA. Parang lampas sila one inch.
Kaya may NBA players na pagdating sa PBA, umuurong ang height sa official measurement.
Sabi ni Howard, 6’9” siya kung walang sapatos. Eh kung totoo ang sabi niya, pwede nga siya maglaro sa PBA.
‘Wag na lang magsapatos. Joke.
Isa pa, nakahiga ang imports kapag sinusukat sa PBA, unlike sa ibang liga na nakatayo sila at nakasandal ang likod sa pader.
Pwede dayain.
Para sure, magpasukat sa PBA habang nandito siya.
I’m sure may kukuha sa kanya.