Bersamina pinuwersa si Quizon sa draw
MANILA, Philippines — Nasamahan sa tuktok si International Master Daniel Quizon matapos matablahan ni IM Paulo Bersamina sa 12th at penultimate round ng Philippine National Chess Championships - “Battle of the Grandmasters” na nilaro sa Marikina Community Convention Center, Sabado ng gabi.
Nirehistro ng 19-year-old na si Quizon ang 8.5 points kaparehong puntos ni IM Jan Emmanuel Garcia na kinalos si FM Mark Jay Bacojo.
Solo sa pangalawang puwesto si GM John Paul Gomez na tabla ang laban kay NM Vince Angelo Muedina sa event na may 14-player single round robin.
Tiyak na mapapalaban si Quizon sa last round dahil katapat niya ang may pag-asang magkampeon na si Gomez habang kalaban ni Garcia si FM Christian Gian Karlo Arca.
Bagama’t magkasalo sa No. 4 sina WGM Janelle Mae Frayna at Bersamina na may tig-7.5 puntos ay sina Quizon, Garcia at Gomez na lang ang may tsansang magkampeon.
- Latest