MANILA, Philippines — Pinaaga ng PhilCycling ang pagdaraos sa National Championships for Road 2024.
Itinakda ng Philcycling ang nasabing event sa Pebrero 5 hanggang 9 sa Tagaytay City.
Ito ang inihayag kahapon ni PhilCycling at Philippine Olympic Committee (POC) president Abraham “Bambol” Tolentino.
Ang top 30 riders sa Men Elite, Under 23, Juniors at Youth categories sa nakaraang 2023 nationals na idinaos noong Hunyo ay swak na sa National Championships sa susunod na taon.
Ang mga women races ay bukas para sa lahat ng mga interesadong riders.
Pasok na din sa five-day competitions na inihahandog ng Standard Insurance at ng MVP Sports Foundation ang top 30 finishers sa nakaraang Batang Pinoy-Philippine National Games.
Maximum na 90 riders ang itinakda ng PhilCycling na bilang ng mga kalahok sa individual road race (massed start) at 60 cyclists sa criterium at individual time trial sa Men’s Elite, Under-23 at Juniors.