^

PSN Palaro

Bakbakang umaatikabo

Russell Cadayona - Pilipino Star Ngayon
Bakbakang umaatikabo
Pasado si Pinoy world champion Marlon Tapales sa weight limit.
Wendell Alinea

Tapales vs Inoue para sa 4 korona

MANILA, Philippines — Matapos ang anim na taon ay magbabalik si Pinoy world super bantamweight champion Marlon Tapales sa Japan.

Kung noong 2017 ay na­pilitan siyang bakantehin ang suot na World Bo­xing Organization (WBO) bantamweight belt, ngayon ay dalawang korona ang tar­get ni Tapales na maisuot pag-uwi ng Pilipinas.

Sasagupain ni Tapales (37-3-0, 19 KOs) si Japanese super bantamweight title-holder Naoya Inoue (25-0-0, 22 KOs) sa ka­nilang unifica­tion championship fight nga­­yong alas-7 ng gabi sa Ariake Arena sa Tokyo, Japan.

Walang naging problema si Japanese titlist Noaya Inoue sa kanyang timbang. - Wendell Alinea

Sa kanyang huling pagbisita sa Japan noong Abril ng 2017 ay napuwersa si Ta­pales na bitawan ang ha­wak na WBO bantamweight crown dahil sa pagi­ging overweight.

Sa kabila nito ay tinalo pa rin ng Pinoy fighter si Ja­panese Shohei Omori via eleventh-round knockout sa Osaka.

Itataya ni Tapales ang mga bitbit na World Bo­xing Associaton (WBA) at In­ternational Boxing Fede­ration (IBF) belts, habang isu­sugal ni Inoue ang mga hawak na WBO at World Boxing Council (WBC) titles.

Pasado si Tapales sa official weigh-in sa kanyang bigat na 121 1/4 pounds, ha­bang nasukatan si Ino­ue ng 121 3/4 pounds pa­sok sa weight limit na 122 pounds.

Bagama’t may nakala­gay na ‘no rematch clause’ sa kanilang fight contract ay payag si Tapales na muling labanan si Inoue sakaling siya ang manalo.

vuukle comment

BOXING

SPORTS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with