MANILA, Philippines — Nagluluksa ang buong sambayanan sa pagpanaw ni PBA legend Samboy Lim.
Nagulantang ang lahat nang ihayag ng pamilya nito ang paglisan ng tinaguriang Skywalker ng Philippine basketball sa edad na 61-anyos.
“Our Hearts are broken. Today, December 23, 2023, our dearly beloved Samboy passed away peacefully. A man of Faith, exceptional courage, humility and grace. He embodied the very best of humanity. ‘The Skywalker’ was 61,” ayon sa post ng pamilya ni Lim sa social media.
Namatay si Lim sa Medical City kung saan nakasama nito sa mga huling sandali ang kaniyang pamilyang sina Lelen, Jamie, Johannes, Malou, AP, Alby at Kates at mga kaibigang sina Allan Caidic at Robert Evangelista.
Isa si Samboy sa mga tinitingala sa mundo ng Philippine basketball noong dekada 80 at 90.
Naglaro si Lim sa PBA mula 1986 hanggang 1997.
May siyam na PBA championships si Lim kabilang na ang Grand Slam kasama ang San Miguel noong 1989.