Baguio City bumandera sa PNG, BP medal tally

Si Cambodia SEA Games queen Sakura Alforte sa women’s kata event ng 2023 Philippine Ntional Games.
PSC photo

MANILA, Philippines — Kapwa pinamunuan ng Baguio City ang laba­nan para sa overall championship ng 2023 Philippine Na­tional Games at Batang Pinoy ka­hapon sa mga ve­ues sa Metro Manila.

Humakot ang mga Baguio City athetes ng 18 gold, 11 silver at 6 bronze me­­dals sa pagbandera sa PNG  kasunod ang Pasig City (15-21-26)

Nasa ikatlong posisyon ang Mandalu­yong sa nako­lektang 11 ginto, 11 pilak at 17 tansong medalya, habang may  7 ginto, 12 pilak at 7 tanso ang Davao City.

Nagsubi naman ang Ba­guio City delegation ng 32 golds, 25 silvers at 40 bronzes para palakasin ang tsansa sa ika­apat na su­nod na overall crown sa Batang Pinoy.

Nasa ikalawang pu­wes­to ang Pasig City na may 25 golds, 27 silvers at 40 bronzes kasunod ang Cebu City (20-15 -21), Da­vao City (20 -14-16) at Zamboanga City (18-6-5).

Ang Local Government Unit (LGU) na tatanghaling overall champion ay tatanggap ng P5 milyon, habang may P4 milyon, P3 milyon, P2 milyon at P1 milyon ang second, third, fourth at fifth placers, ayon sa pag­ka­kasunod.

Sa PNG sa Philsports Complex sa Pasig City, uma­gaw ng eksena si Cam­bodia Southeast Asian Games kata queen Sakura Alforte matapos kunn ang ginto sa kanyang 23.90 points.

Nakuntento si dating national champion Rebecca Torres sa pilak kasunod si Chino Veguillas para sa tanso.

Si World championship quarterfinalist Jeremy Nopre ang nanguna sa men’s kata sa kanyang 23.50 points.

Sa Philsports pool, ni­langoy ni Bulacan tanker Ra­fael Barreto ang kanyang ikaapat na ginto nang maghari sa boys 18-0ver 200-meter freestyle sa bilis na 1:53.05.

Sinisid ni Ormoc City bet Atasha dela Torre ang kanyang ikatlong ginto ma­tapos magreyna sa girls 18-over 100-meter butterfly.

Sa track oval, sinikwat ni Lyca Catubig ng Davao City ang pangatlo iyang gold sa panalo sa women’s U20 5,000-meter walk sa oras na 28.21.82, habang naghari si Justin Santo Ma­­curing ng Pasig City sa pa­rehong event sa tiyempong 26:26.23.

Sa Batang Pinoy sa Ri­zal Memorial Sports Complex sa Manila, pitong ginto ang itinumba ng Baguo City sa taekwondo bukod sa lima sa judo.

May siyam pang fina­lists ang Baguio City sa kickboxing.

Show comments