^

PSN Palaro

Morant nagpasikat agad sa panalo ng Grizzlies sa Pelicans

Pilipino Star Ngayon

NEW ORLEANS — Ti­na­pos ni Ja Morant ang kanyang pagkawala sa pro­fessional basketball sa pa­mamagitan ng isang ma­tin­ding laro.

Itiniklop ni Morant ang kan­yang 34-point season debut mula sa isang spinning dribble para isalpak ang game-winning floater sa 115-113 pagtakas ng Memphis Grizzlies kontra sa Pelicans.

Ito ang unang laro ni Mo­­rant matapos ang 25-game suspension dahil sa pagpapakita ng kanyang mga baril sa social media.

Bumangon ang Memphis mula sa isang 24-point deficit sa first half at agawin ang 113-111 abante mula sa basket ni Morant sa hu­ling 1:22 minuto ng fourth pe­riod.

Nakatabla ang New Or­leans sa 113-113 bago nag­mintis ang dalawang ko­ponan sa kanilang mga tangka sa 3-point line.

Sinelyuhan ni Morant ang panalo ng Grizzlies mu­la sa kanyang winning floa­ter.

“I’ve been putting work in, man,” sabi ni Morant. “I ain’t play a game in eight months. Had a lot of time to learn myself. A lot of hard days where I went through it. But you know, basketball is my life — what I love, therapeutic for me. And I’m just excited to be back.”

Nag-ambag si Jaren Jackson Jr. ng 24 points at may 21 markers si Desmond Bane para sa Memphis (7-19).

Umiskor si Brandon Ingram ng 34 points sa panig ng New Orleans (16-12).

Sa San Francisco, hu­ma­taw si Stephen Curry ng 33 points sa 132-126 overtime win ng Golden State Warriors (13-14) sa Boston Celtics (20-6).

Sa Milwaukee, nagpa­sabog si Damian Lillard ng season-high 40 points at naglista si Giannis Anteto­kounmpo ng triple-double na 16 assists, 14 rebounds at 11 points sa 132-119 pa­­nalo ng Bucks ( 20-7) sa San Antonio Spurs (4-22).

Sa Portland, nagposte si DeAndre Ayton ng 16 points at 15 rebounds sa 109-104 pagpapabagsak ng Trail Blazers (7-19) sa Phoenix Suns (14-13).

JA MORANT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with