SAN ANTONIO -- Pumitas si Anthony Davis ng 37 points at 10 rebound para banderahan ang Los Angeles Lakers sa 122-119 pagdaig kay No. 1 overall pick Victor Wembanyama at sa Spurs.
Naglaro ang Los Angeles (15-10) na wala si four-time MVP LeBron James na may left calf injury, ngunit nakahugot kina Taurean Prince, Austin Reaves at D’Angelo Russell ng 17, 15 at 12 points, ayon sa pagkakasunod.
Humakot ang 7-foot-4 na si Wembanyama ng 30 points, 13 rebounds at 6 blocks para sa San Antonio (3-20) na laglag sa franchise-record na 18-game losing slump.
Ang free throw ni Wembanyama ang nagdikit sa Spurs sa 116-117- sa huling 22 segundo ng fourth quarter bago natawagan ng ikaanim na foul sa natitirang 8.8 segundo kung saan angat ang Lakers sa 119-116.
Sa Milwaukee, nagpasabog si Giannis Antetokounmpo ng franchise-record na 64 points sa 140-126 pagmasaker ng Bucks (17-7) sa Indiana Pacers (13-9).
Sa Toronto, nagposte si Pascal Siakam ng 33 points at may 27 markers si Scottie Barnes sa 135-128 pagpulutan ng Raptors (10-14) sa Atlanta Hawks (9-14).
Sa Miami, tumipa si Duncan Robinson ng 23 points at may tig-17 mar-kers sina Jaime Jaquez Jr. at Kyle Lowry sa 115-104 pagsunog ng Heat (14-10) sa Charlotte Hornets (7-15).