^

PSN Palaro

NBA Cup pag-aagawan ng Lakers at Pacers

Pilipino Star Ngayon
NBA Cup pag-aagawan ng Lakers at Pacers
Pinanood na lamang ni forward Naji Marshall ng New Orleans Pelicans ang two-handed slam dunk ni Anthony Davis ng L.A. Lakers sa NBA In-Season Tournament semifinals.

LAS VEGAS — Kuma­ma­da si LeBron James ng 30 points para banderahan ang Los Angeles Lakers sa 133-89 pagdispatsa sa New Orleans Pelicans para umabante sa championship game ng NBA In-Season Tournament.

Haharapin ng Lakers para sa NBA Cup ang In­dia­na Pacers na kinuha ang 128-119 panalo sa Mil­waukee Bucks sa isa pang semifinals game.

Kumpara sa mga tour­nament games, ang championship game ng Los Angeles at Indiana ay hindi ibi­bilang sa regular-season standings.

“I think we are starting to get a feel for what we need to become a team for us to win basketball games, to be consistent,” sabi ni James.

Nag-ambag si Austin Reaves ng 17 points para sa Lakers, habang humakot si Anthony Davis ng 16 points at 15 rebounds at may 15 markers si Taurean Prince.

Pinamunuan ni Trey Mur­phy III ang Pelicans sa kanyang 14 points at may 13 at 10 markers sina Zion Williamson at Herbert Jones, ayon sa pagkakasu­nod.

Kinuha ng New Orleans ang 30-29 bentahe sa first quarter, ngunit umiskor si James ng 11 points sa se­cond period para ibigay sa Los Angeles ang 40-33 kalamangan.

At mula rito ay hindi na bumitaw ang Lakers.

Samantala, nagtala si Ty­rese Haliburton ng 27 points at 15 assists para sa pagsibak ng Pacers sa Bucks.

Nag-ambag si Myles Turner ng 26 points.

BASKETBALL

NBA

SPORTS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with