LOS ANGELES — Isinalpak ni Paul George ang isang stepback three-pointer sa huling 9.2 segundo ng fourth period para itakas ang Clippers laban sa Golden State Warriors, 113-112.
Bumangon ang Lakers (9-10) mula sa 22-point deficit sa third quarter para resbakan ang Warriors (9-11).
Matapos ang mintis na jumper ni Stephen Curry kung saan hawak ng Warriors ang 112-110 abante ay nahablot ni Russell Westbrook ang defensive rebound at pinasahan si George para sa triple nito na nagbigay sa Clippers ng 113-112 abante sa natitirang 9.2 segundo.
Nadepensahan naman si Curry na napuwersang ipasa ang bola kay Draymond Green na bigong maikonekta ang potensyal na game-winning triple sa pagtunog ng buzzer.
Sa Milwaukee, tumipa si Giannis Antetokounmpo ng 32 points, 11 rebounds at 10 assists para sa kanyang unang triple-double sa season at ika-36 sa kabuuan sa 132-121 panalo ng Bucks (14-6) sa Atlanta Hawks (9-10).
Sa Dallas, umiskor si Jalen Williams ng 23 points sa 126-120 pagdaig ng Oklahoma City Thunder (13-6) sa Mavericks (11-8).