^

PSN Palaro

Splash Brothers bida sa panalo ng Warriors sa Clippers

Pilipino Star Ngayon

SAN FRANCISCO - Hu­mugot si Klay Thompson ng 10 sunod na puntos sa krusyal na bahagi ng fourth quarter at tumapos na may 22 points sa 120-114 panalo ng Golden State Warriors laban sa Los Angeles Clippers.

Nagtala si Stephen Cur­ry ng 26 points, 8 assists at 7 rebounds para sa Warriors (9-10).

Nag-ambag si Draymond Green ng 13 points.

Pinamunuan ni Kawhi Leo­nard ang Clippers (8-10) sa kanyang 23 points at 7 rebounds, habang nag­lista si James Harden ng 18 markers at 7 assists at may 15 points at 10 assists si Paul George.

Kinuha ng Golden State ang 18-point lead sa first half bago ito naputol ng Los Angeles sa 81-89 sa pagsi­simula ng fourth quarter.

Sa nasabing yugto ay nag-init ang mga kamay ni Thompson para sa panalo ng Warriors sa Clippers.

Sa San Antonio, nagpa­sabog si Trae Young ng season-high 45 points sa 137-135 pagtakas ng At­lanta Hawks (9-9) sa Spurs (3-15).

Sa Oklahoma City, umis­kor si Shai Gilgeous-Ale­­xander ng 33 points sa 133-110 pagsapaw ng Thunder (12-6) sa Los Angeles La­kers (11-9).

Sa Minneapolis, humataw si Karl-Anthony Towns ng 32 points at 11 rebounds sa 101-90 panalo ng Minnesota Timberwolves (14-4) sa Utah Jazz (6-13).

Sa Miami, kumabig si Jimmy Butler ng 36 points sa 142-132 pagsunog ng Heat (11-8) sa Indiana Pa­cers (9-8).

KLAY THOMPSON

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with