MANILA, Philippines – Igagawad kay Quezon City 1st District Rep. Juan Carlos “Arjo” Atayde, miyembro ng Youth and Sports Development Committee sa House of Representatives, at sa kanyang tiyuhing si Mike Atayde ang isang special citation sa 3rd Siklab Youth Sports Awards sa Lunes sa Market! Market! Activity Center Ayala Malls, BGC sa Taguig City.
Suportado ng batang Atayde ang inisyatibo ni Mike na nagtatag sa Youth Football League (YFL) at sa football club Davao Aguilas.
Ilan sa mga nadiskubre sa YFL ay sina under-18 players Lien Dale Manuel na nagmula sa Tondo at scholar ng Treston sa BGC at Lhei Ycong na kasama sa all-girls team ng Forza FC at scholar ng Wood Rose sa Ayala Alabang.
Makakasama ng dalawang Atayde sa awards night na suportado ng MVP Sports Foundation, Smart/PLDT, CEL Logistics, NLEX, Pacquiao 3-in-1 Coffee at JC ay sina Blue Hydra Rising Stars awardees Zhaoyu Capilitan ng chess, rower Ayona Huerto, skateboarder Mazel Alegado, fencer Jodie Danielle Tan at jiu-jitsu artists Aielle Aguilar at Yanna Marte.
Marami ang batang football players na naging scholar simula noong 2017 sa pamamagitan ng YFL.Pamumunuan ni tennis player Alex Eala ang mga major awardees kasama sina World Combat Games gold medalist Alyssa Kylie Mallari ng muay thai, weightlifting world youth champion Prince Keil Delos Santos at 20 pang atleta mula sa iba't ibang sports na hinirang na Go For Gold Siklab Young Heroes.