^

PSN Palaro

Finals berth pag-aagawan ng San Beda, Lyceum

Russell Cadayona - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Nakaisa na ang No. 3 San Beda University laban sa No. 2 Lyceum of the Philippines University.

At kailangan pa nilang manalo sa ‘do-or-die’ game ngayong alas-3 ng hapon sa Smart Araneta Coliseum para sa karapatang labanan ang Mapua University sa championship series ng NCAA Season 99 men’s basketball tournament.

“I know we wanna win a championship but we have to win two more games first before we get there,” sabi ni coach Yuri Escueta matapos ang 89-68 pagdaig ng kanyang Red Lions sa Pirates sa Final Four noong Martes.

Bitbit ng Lyceum ang ‘twice-to-beat’ advantage laban sa San Beda sa Final Four.

Huling nagkampeon ang Red Lions noong 2017 at 2018 bago inangkin ng Letran Knights ang tatlong sumunod na korona.

Tinalo ng San Beda ang Lyceum sa dalawang beses nilang pagtutuos sa NCAA Finals.

“We’re not even thinking about the championship, iyon ang totoo. Itong game lang na ito. We wanna stay in the present and get this first game,” ani Escueta.

Sa nasabing panalo ng Red Lions sa Pirates ay nagposte si star guard Jacob Cortez ng 28 points, 8 assists, 4 rebounds at 3 steals.

SAN BEDA UNIVERSITY

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with