LA Tenorio makalalaro na vs Terrafirma
MANILA, Philippines — Inaasahang masisilayan na sa aksyon si LA Tenorio sa oras na makaharap ng Barangay Ginebra ang Terrafirma sa Disyembre 3 sa Philsports Arena sa Pasig.
Ito ang inihayag ni Ginebra coach Tim Cone kung saan excited na ang lahat sa pagbabalik ni Tenorio.
“Yes, LA is expecting to return to play on December 3. We’re all excited for him,” ani Cone.
Makailang ulit nang sumalang sa ensayo si Tenorio kasama ang buong Gin Kings.
At tiwala si Cone na nasa perpektong kundisyon na ito para makapaglarong muli suot ang Barangay Ginebra jersey.
Galing si Tenorio sa treatment sa kanyang cancer. Ngunit nabigyan na ito ng clearance ng mga doktor kaya’t maaari na ulit itong makapaglaro.
Kasama rin si Tenorio sa coaching staff ng Gilas Pilipinas na nagkampeon sa 19th Asian Games sa Hangzhou, China.
“He’s been practicing with us for the last several weeks, so he should be ready. We miss his leadership on the floor,” ani Cone.
- Latest