Esteban masama ang loob sa PFA

Si Pinay fencer Maxine Esteban habang binibigyan ng pointers ni Italian coach Andrea Magro.

MANILA, Philippines — Umaasa si Filipino-Ivorian fencer Maxine Esteban na walang nang susunod pang Pilipino na magpapalit ng nationality para lamang makapaglaro sa malalaking international tournaments.

Ito ang inihayag ni Este­ban na miyembro na ng Ivo­ry Coast national fencing team matapos magpasyang limipat ng pederasyon.

Aminado si Esteban na nasaktan siya at nabastos sa ginawa sa kanya ng national association sa Pilipinas.

“Napakasakit po. Sobra akong nabastos. My pra­yer and hope is that what­ever happened to me would never happen to any Filipino athlete. What my fe­deration did to me was ex­tremely hurtful, unfair, and disrespectful,” wika ni Es­teban sa programang ‘Power and Play’.

Base sa kuwento ni Es­teban, nagsimula ang lahat nang magtamo siya ng in­jury sa 2022 World Championship sa Egypt bilang ki­natawan ng Pilipinas.

Nagtamo si Esteban ng ACL at sumailalim sa anim na buwan na rehabilis­tasyon.

Dahil dito ay sumulat si Esteban sa Philippine Fen­cing Association (PFA) para ma-excuse sa national at international events.

Pumayag naman ang PFA.

“In other countries, you don’t need to do that. You are excused and your ran­king stays while you recover because that is the least that they can do to show their appreciation for your service and sacrifices,” ani Esteban.

Ngunit nagulat na lamang si Esteban na tinanggal na siya sa national team.

Show comments