Esteban masama ang loob sa PFA
MANILA, Philippines — Umaasa si Filipino-Ivorian fencer Maxine Esteban na walang nang susunod pang Pilipino na magpapalit ng nationality para lamang makapaglaro sa malalaking international tournaments.
Ito ang inihayag ni Esteban na miyembro na ng Ivory Coast national fencing team matapos magpasyang limipat ng pederasyon.
Aminado si Esteban na nasaktan siya at nabastos sa ginawa sa kanya ng national association sa Pilipinas.
“Napakasakit po. Sobra akong nabastos. My prayer and hope is that whatever happened to me would never happen to any Filipino athlete. What my federation did to me was extremely hurtful, unfair, and disrespectful,” wika ni Esteban sa programang ‘Power and Play’.
Base sa kuwento ni Esteban, nagsimula ang lahat nang magtamo siya ng injury sa 2022 World Championship sa Egypt bilang kinatawan ng Pilipinas.
Nagtamo si Esteban ng ACL at sumailalim sa anim na buwan na rehabilistasyon.
Dahil dito ay sumulat si Esteban sa Philippine Fencing Association (PFA) para ma-excuse sa national at international events.
Pumayag naman ang PFA.
“In other countries, you don’t need to do that. You are excused and your ranking stays while you recover because that is the least that they can do to show their appreciation for your service and sacrifices,” ani Esteban.
Ngunit nagulat na lamang si Esteban na tinanggal na siya sa national team.
- Latest