MANILA, Philippines – Nagbabalik ang Association of Firearms and Ammunition Dealers Inc. (AFAD) para sa ikalawang edisyon ng 29th Defense and Sporting Arms Show na lalarga sa Disyembre 7-11 sa SMX Convention Center sa Pasay City.
Itinuturing pinakamatagal at natatanging Arms Show sa bansa, muling itatangahl ang mga premyado at de kalidad na mga imported at gawa sa bansang mga baril, gayundin ang malawak na hanay ng iba’t ibang gamit na mga kagamitan para sa mga hobbyist at sportsman.
Makaraan ang matagumpay na unang edisyon nitong Mayo sa bago nitong tahanan, inaasahan ng mga opisyal ng AFAD sa pangunguna nina Aric Topacio at Edwin Año ang matinding pakikilahok ng mga miyembro at exhibitors.
“We’re happy to be back. With a huge turnout of visitors in the first edition last May, our members, particularly the major players in the industry are so eager and enthusiastic to participate and put on display their products,” pahayag ni Topacio na muling nahalal na Pangulo ng AFAD kapalit ng nakatatandang kapatid at SEA Games medalist na si Hagen Topacio.
Sa nakalipas na tatlong dekada, ang AFAD Arms Show ang sentro ng kalakalan na nagbibigay ng mga pagkakataon para sa mga mahilig sa baril, tagapagpatupad ng batas, mga kolektor, at mga propesyonal sa industriya na matuto tungkol sa mga pinakabagong produkto, inobasyon, at teknolohiya.
Sa opening ceremony na itinakda alas-10 ng umaga, kabilang sa mga bisita ang mga matataas na opisyal mula sa Philippine National Police (PNP), Armed Forces of the Philippines, at mga kaukulang ahensya.
Bilang karagdagang aktibidad, may pagkakataon din ang lahat na makapag-renew ng kanilang mga lisensiya at paggabay sa aplikasyon para sa mga bagong rehistradong may-ari ng baril, ang mga bisita ay magkakaroon ng pagkakataong lumahok sa isang bukas na talakayan tungkol sa pagtatanggol sa sarili, paghawak sa kaligtasan ng mga baril, seguridad, responsableng pagmamay-ari ng baril, at mga patakaran sa regulasyon.
Mahigit 40 miyembro at guest exhibitor ang kumpirmadong lalahok gaya ng Trust Trade, PB Dionisio and Co. Inc., Tactical Corner Inc., Squires Bingham Intl./Armscor, Nashe Enterprises, Willi Hahn Enterprises, Shooters Guns, at Ammo Corp. , Metro Arms Corporation, R. Espenile Trading, Imperial Guns, Ammo and Accessories, Jethro International Inc., Stronghand Incorporated, Final Option Trading Corporation, Force Site Inc., Lynx Firearms and Ammunition, Tactical Precision Trading, Armscor Shooting Center, Defensive Armament Resource Corp., Topspot Guns and Ammo, Lordman Leathercraft Guns and Ammo, True Weight, Tactics SOG Industries Inc., Lock & Load Firearms and Sporting Goods, Pascual Gun Works, Metro Sporting Arms Show, Santiago Fiberforce, Jordan Leather at Gen. Mdse, Magnus Sports Shop, Speededge Inc., Greyman Elite Inc., Bonanza/Icarus Shirts, CBX Trading and General Merchandise, Caliber Monte Carlo Sports Corp., Tacops Tactical Option Inc., Frontier Guns and Ammo, Profence Systems Corporation, Lantin Customs Gun Shops, Raj's, Topspeed, Asia Defense Armament Corporation, Top Gun, Oksmoto, Tongs and Steamers, at Simply Gourment.