Isa na lang para sa HD Spikers

MANILA, Philippines — Bumalikwas ang Cignal HD mula sa kabiguan para palakasin ang tsansa sa semifinal round ng Premier Volleyball League (PVL) 2nd All-Filipino Conference kahapon sa Philsports Arena sa Pasig City.
Pinatumba ng HD Spikers ang sibak nang Nxled Chameleons, 25-17, 25-14, 25-14, para sa 7-3 record.
“Thank you, Lord,Isa na lang, isang kembot na lang para sure na kami sa semis,” ani Cignal coach Shaq delos Santos sa kanilang inaasam na pagpasok sa semifinals kasama ang Creamline (8-0) at Choco Mucho (8-1).
Humampas si Jovs Gonzaga ng 12 points mula sa 9 attacks at 3 blocks. para sa HD Spikers na sinibak na rin ang Akari Chargers (5-4) sa semis.
“Mahirap, kasi ang lalim na talaga ng hugot namin from last game. Ang laging reminder ng coaching staff namin is mag-move forward kami kasi may last two remaining games kami na napakaimportante,” ani Gonzaga.
Samantala, sinibak ng Petro Gazz ang Akari, 25-18, 17-25, 25-22, 32-30, para sa kanilang 6-4 baraha at sumilip ng pag-asa sa semis spot.
Nagposte si Marian Buitre ng 22 points mula sa 16 attacks, 4 blocks at 2 service aces para banderahan ang Gazz Angels.
- Latest