Isang bala ka lang!
Nag-ala FPJ si NorthPort team manager Pido Jarencio matapos matalo ang team niya sa NLEX last Wednesday.
Nag-girian kasi si Jarencio at NLEX import Thomas Robinson habang papasok sa mga dugouts ang players sa Araneta Coliseum.
At dahil foreigner ang katapat, English-speaking si Jarencio.
“You are one bullet. I will shoot you later,” ang hiyaw ni Jarencio sa harap ng mga players, coaches, officials at maging si PBA commissioner Willie Marcial.
Parang FPJ movie na “Isang Bala Ka Lang!”
Dehins malinaw kung ano ang sinabi ng import kay Jarencio sa kainitan ng sitwasyon.
Nakanganga lang si NLEX coach Frankie Lim at umawat naman si NorthPort governor Erick Arejola na nakagirian din ng import during the game.
Nagkalat ang video ng incident kung saan sumigaw pa si Jarencio ng “Happy New Year!” sa import.
Wala naman siguro balak si Jarencio na barilin ang import after the game. Ika nga, bugso lang ng damdamin.
Agad na nag-sorry si Jarencio sa PBA. At next time daw na makita niya si Robinson, kakamayan daw niya. With matching high-five!
Pero dahil on record ang incident at maraming nakapanood, pinatawag ni kume si Jarencio at Robinson sa kanyang opisina.
Sa presinto kayo magpaliwanag.
- Latest