Cignal papalo sa PNVF finals

Umangat si Rhea Mae Densig ng St. Benilde laban kay Angelique Ledesma ng Letran.
PNVF photo

MANILA, Philippines — Limang sets ang ki­nailangan ng Cignal HD para kalusin ang VNS Ase­reht, 25-21, 25-22, 21-25, 23-25, 15-10, sa semifinals ng Philippine National Vol­ley­ball Federation (PNVF) Challenge Cup men’s division kahapon sa Rizal Me­mo­rial Coliseum sa Manila.

Swak sa finals ang HD Spikers at makakaharap nila ang mananalo sa pagitan ng National University at Uni­versity of Sto. Tomas na ka­salukuyang nagpapaluan kagabi habang isinusulat ito.

Sinandalan ng Cignal si Joshua Umandal matapos magtala ng 25 points mula sa 23 attacks, 1 block at 1 service ace para itakas ang mahirap na panalo.

“Nag-doble effort lang ka­mi kasi sila (VNS) sinipagan nila eh, kitang-kita kaya good game maganda iyong laro,” ani Umandal.

Samantala, sumampa sa championship round ang University of the Philippines matapos payukuin ang Philippine Air Force, 25-18, 25-18, 19-25, 25-18, sa women’s division.

Iginawad kay Stephanie Bustrillo ang Player of the Game matapos irehistro ang 18 points mula sa 13 attacks, 3 blocks at 2 service aces para sa Lady Ma­roons.

Makakatapat ng UP sa finals ang two-time reigning NCAA champion College of St. Benilde Lady Blazers sa event na suportado ng Phil­ip­pine Sports Commission sa pamumuno ni chairman Richard Bachmann kasama ang PLDT, Rebisco, Akari, Fo­ton and CBPI.

Ipinagpag ng Lady Bla­zers ang Letran Lady Knights, 25-20, 25-17, 25-16, sa likod ni Rhea Mae Den­sig sa knockout semifinals ng 16-team women’s division

Hindi nakatikim ng kahit isang set na pagkatalo ang Lady Blazers sa Pool A matapos ilista ang 3-0 marka.

Show comments