Ika-39,000th points iniskor ni James vs Utah

LOS ANGELES — Inis­kor ni LeBron James ang kan­yang ika-39,000th point para tumapos na may 17 points, 9 assists at 7 rebounds sa 131-99 panalo ng Lakers sa Utah Jazz at kumpletuhin ang 4-0 sweep sa NBA In-Season Tournament.

Ang 38-anyos na si James ang naging unang pla­yer sa league history na tumipa ng 39,000 points sa first quarter pa lamang.

Nagtala si Anthony Da­vis ng 26 points at 16 re­bounds sa pag-abante ng Los Angeles (9-6) sa knockout quarterfinal ng unang in-season tournament.

May 20 markers si D’Angelo Russell habang nag-ambag sina Austin Reaves at Christian Wood ng 19 at 16 points, ayon sa pagkakasunod.

Nauna na nilang tinalo ang Phoenix Suns, Memphis Grizzlies, Portland Trail Blazers at Jazz.

Naglista si Omer Yurt­se­ven ng season-high 18 points para sa Utah (4-10) na may 2-2 baraha sa tour­nament play.

Sa Atlanta, kumolekta si Tyrese Haliburton ng 37 points at 16 assists sa 157-152 overtime win ng In­diana Pacers (8-5) sa Hawks (6-7) papasok sa quar­terfinals ng In-Season Tournament.

Sa Phoenix, humataw si Kevin Durant ng 31 points sa 120-107 paggiba ng Suns (8-6) sa Portland Trail Blazers (3-11).

Sa Philadelphia, kumamada si Darius Garland ng 32 points sa 122-119 overtime victory ng Cleveland Cavaliers (8-6) sa 76ers (10-4).

Show comments