Cardinals isinabit ang Blazers sa Final 4
MANILA, Philippines — Binuo ng Mapua University ang Final Four ng NCAA Season 99 men’s basketball tournament matapos patalsikin ang Jose Rizal University, 77-74, kahapon sa FilOil Centre sa San Juan City.
Nagsumite si Clint Escamis ng 25 points, 4 rebounds, 4 assists at 5 steals para sa 15-3 record ng Cardinals kasunod ang Lyceum Pirates (13-5) at San Beda Red Lions (11-6).
Tumipa si Warren Bonifacio ng 17 markers at may 13 at 11 points sina Marc Cuenco at JC Recto, ayon sa pagkakasunod.
Ang pagkatalo ng Heavy Bombers (10-8) ang nagpasok sa Blazers (11-7) sa semifinals.
Nakalasap ang St. Benilde ng 69-77 kabiguan sa sibak nang Emilio Aguinaldo College sa unang laro.
Kumamada si Nat Co-sejo ng game-high 26 points para sa Generals (9-9) at may 12 markers si JP Maguliano.
Samantala, pipilitin ng Red Lions na manalo sa Letran Knights (2-15) bukas para manatili sa third spot papasok sa semis.
Sumasakay ang San Beda sa isang three-game winning streak.
- Latest