^

PSN Palaro

Cignal swak sa PNVF Challenge Cup quarterfinals

Russell Cadayona - Pilipino Star Ngayon
Cignal swak sa PNVF Challenge Cup quarterfinals
Hinatawan ni Ella Mae Cajilla ng RTU Basilan ang Arellano defenders sa aksyon ito sa PNVF Challenge Cup sa Rizal Memorial Sports Coliseum.
PNVF photo

MANILA, Philippines — Nagmartsa sa quarterfinals ang Cignal matapos gibain ang Volida Volleyball Club, 25-12, 25-7, 25-8, sa Philippine National Volleyball Federation (PNVF) Challenge Cup men’s division kahapon sa Rizal Memorial Coliseum sa Manila.

Pinaganda ng HD Spi­kers ang kanilang kartada sa 4-0 sa Pool A.

Tinapos nila ang laro sa VVC sa loob ng 49 minuto at hindi pa nagsusuko ng set sa kanilang apat na laro sa 20-team tournament na suportado ni Philippine Sports Commission chairman Richard Bachmann kasama ang PLDT, Rebis­co, Akari, Foton at CBPI.

Nauna nang pinadapa ng Cignal ang Kuya JM-Davao City, 25-19, 25-17, 25-20, Savouge Aesthetics, 25-21, 25-16, 25-22, at ang University of Batangas 25-14, 25-15, 25-16.

Sa women’s play, swak din sa quarterfinals ang Philippine Air Force matapos walisin ang Tacloban City-EV, 25-12, 25-20, 25-15, para sa 3-0 record sa Pool B.

Naglista naman ang Arellano ng 2-1 marka sa Pool C galing sa 21-25, 25-19, 23-25, 25-22, 15-12 panalo sa Rizal Technological University-Basilan.

Sa iba pang laro sa men’s class, tinalo ng Savouge Aesthetics ang Kuya JM-Davao City, 25-17, 25-19, 25-20, para sa 2-1 karta sa Pool A habang may 2-2 baraha ang 3B Marikina City sa Pool C mula sa 25-11, 25-15, 25-15 pagdomina sa Angatleta-Orion Bataan.

May 2-0 record ang Iloilo D’Navigators sa Pool D makaraang iligpit ang Tacloban City-EV, 25-18, 25-17, 25-16.

Ang top two teams lamang sa 16-team women’s at 20-team men’s division ang aabante sa knockout quarterfinals ng Challenge Cup, dating Champions League, na nagsisilbing penultimate tourney ngayong taon ng PNVF ni president Ramon “Tats” Suzara.

SPORTS

VOLLEYBALL

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with