MIAMI , Philippines — Humugot si star guard Jimmy Butler ng 18 sa kanyang 36 points sa third quarter sa 122-115 pagsunog ng Heat sa Brooklyn Nets.
Nag-ambag si Duncan Robinson ng 26 markers para sa seven-game winning streak ng Miami (8-4).
Tumipa si Bam Adebayo ng 20 points para sa tropa ni Fil-Am coach Erik Spoelstra.
“We’re getting a little more organized, more comfortable,” sabi ni Spoelstra. “And that allows you to be more confident.”
Umiskor sina Mikal Bridges at Lonnie Walker IV ng tig-23 points sa panig ng Brooklyn (6-6) na nakakuha kina Nic Claxton at Cam Johnson ng tig-16 markers.
Kinuha ng Heat ang 60-52 halftime lead at hindi na isinuko ang bentahe sa Nets sa kabuuan ng second half.
Sa San Francisco, naglista si Isaiah Joe ng season-high 23 points tampok ang perpektong 7-og-7 shooting sa three-point line sa 128-109 paggupo ng Oklahoma City Tyunder (8-4) sa Golden State Warriors (6-7).
May 24 markers si Shai Gilgeous-Alexander para sa Thunder na inihulog ang Warriors sa pang-limang sunod na kamalaan.
“You can’t expect to shoot the ball like that every night,” wika ni coach Mark Daigneault. “That obviously comes and goes. That’s why we emphasize all the things we can control.”
Nagdagdag si Josh Giddey ng 19 points at kumolekta si rookie Chet Holmgren ng 13 points at 10 rebounds para sa pang-limang panalo ng Oklahoma City sa huling anim na laro.
Naglaro ang Golden State na wala sina Stephen Curry (right knee soreness) at Draymond Green (five-game suspension).
Kinatigan si Warriors’ coach Steve Kerr ang ipinataw na suspensyon ng liga kay Green na nag-headlock kay center Rury Gobert ng Minnesota Tomberwolves sa nauna nilang rambulan kamakalawa.