EAP, Philracom pareho ang misyon

MANILA, Philippines — May pagkakatulad sa misyon ang Equestrian Association of the Philippines at ang Philippine Racing Commission, ito’y ang objektibong pagpapaganda at pagpapalakas ng horseracing industry.

Kaya naman nagsanib pu­wersa ang EAP at ang PHILRACOM upang mas mapabuti lalo ang industriya ng karera.

Si Xavier Virata ngayon ang namumuno sa EAP kung saan ay suportado nito ang Philippine Horseracing and Breeding Expo.

Kasalukuyang nagaga­nap ang Philippine  Hor­se­racing and Breeding Expo sa IL Centro sa loob ng Sta. Lucia Mall sa Cainta, Rizal.

Todo suporta rin ang Philippine Charity Sweepstakes Office, Games and Amusements Board at Casino Filipino sa three-day event.

Isa sa mga nagbigay kulay sa nasabing event ay ang pagbibigay ng inspirational message ni dating EAP president Mikee Jaworski-Cojuangco sa naganap na educational workshop tungkol sa kapakanan ng mga pangkarerang kabayo at retired race horses.

Show comments