UP tumiyak ng puwesto sa F4

MANILA, Philippines — Tumibay ang kapit ng University of the Philippines sa tuktok ng team standings matapos nilang payukuin ang University of the East, 79-72 sa UAAP Season 86 men’s basketball tournament na nilaro sa Araneta Coliseum, kahapon.

Lumiyab ang opensa ni Malick Diouf matapos irehistro ang double-double performance na 19 points at 15 rebounds para tulungan ang Figh­ting Maroons na ilista ang 9-2 karta at manatiling nasa No. 1 spot.

Dahil sa panalo, nakasisiguro na ang Diliman-based squad ng puwesto sa semifinals.

Lamang ang Fighting Maroons ng 13 puntos, 58-45 sa third period pero nagpakita ng angas ang Red Warriors at naibaba sa lima ang kanilang hinahabol, 60-55 papasok ng fourth quarter.

Kahit agresibo ang nilaro ng Red Warriors sa payoff period ay nanatili pa rin ang tikas ng Fighting Maroons, bentahe pa rin sila, 61-69 mula sa easy two points ni Diouf may limang minuto na lang sa laro.

Bumakas si CJ Cansino ng 17 markers habang siyam ang inambag ni ve­teran guard JD Cagulangan para sa Fighting Maroons. .

Nalasap naman ng Red Warriors ang pang-pitong kabiguan sa 11 laro, pero may pag-asa pa rin na makapasok sa final four.

Samantala, nagwagi sa unang laro ang defen­ding champion Ateneo sa University of Sto. Tomas, 67-59.

Tumipa si Kai Ballungay ng 15 points at 14 rebounds para sa Blue Eagles na napaganda ang kanilang karta sa 5-6 at napalakas ang tsansa sa asam na final four.

Show comments