Adebayo umukit ng kasaysayan sa Miami

Bam Adebayo of the Miami Heat
Megan Briggs / Getty Images / AFP

MIAMI — Ipinoste ni Bam Adebayo ang unang 20-rebound triple-double sa Miami history habang umiskor si Jimmy Butler ng 28 points sa 108-107 paglusot ng Heat sa Los Angeles Lakers.

Tumapos si Adebayo na may 22 points, 20 rebounds at 10 assists para sa Miami (3-4) na nakahugot kina Tyler Herro at Duncan Robinson ng 20 at 12 markers, ayon sa pagkakasunod.

Pinamunuan ni LeBron James ang Los Angeles (3-4) sa kanyang 30 points at may 23 points, 10 rebounds at 9 assists si Austin Reaves.

Hindi nakaiskor ang da­lawang koponan sa hu­ling 2:39 minuto ng fourth quarter.

Natawagan si Adebayo ng traveling sa natitirang 8.9 segundo sa panig ng Heat habang tumalbog ang game-winning corner jumper sana ni Cam Reddish para sa Lakers.

Sa Denver, inilista ni Nikola Jokic ang kanyang ika-108 triple-double sa tinapos na 35 points, 14 rebounds at 12 assists sa 134-116 paggiba ng nagdedepensang Nuggets (7-1) sa New Orleans Pelicans (4-3).

Show comments