Wagner, Banchero binuhat ang Magic

Franz Wagner of Germany.
FIBA

ORLANDO — Kumamada si Franz Wagner ng 26 points at nagdagdag si Paolo Banchero ng 25 points, 10 assists at 7 rebounds sa 120-101 pagbugbog ng Magic sa Los Angeles Lakers.

Umiskor ang Orlando (4-2) ng 22 points mula sa 17 turnovers ng Los Angeles (3-3) at nagposte ng 25-point lead sa third quarter patungo sa kanilang panalo.

Nag-ambag si rookie Anthony Black ng 11 points para sa Magic na nakahugot kay Goga Bitadze ng 10 points, 10 rebounds at 5 blocks.

Binanderahan ni Anthony Davis ang Lakers sa kanyang 28 points, 13 rebounds at 7 blocks at tumipa si LeBron James ng 24 points, 9 rebounds at 5 assists.

Sa New York, kumolekta si Jayson Tatum ng 32 points t 11 rebounds sa 124-112 panalo ng Boston Celtics (5-0) sa Brooklyn Nets (3-3).

Sa Denver, humakot si Nikola Jokic ng 28 points, 16 rebounds at 9 assists habang nagtala si Michael Porter Jr. ng season-best 27 markers sa 123-101 dominasyon ng nagdedepensang Nuggets (6-1) sa Chicago Bulls (2-5).

Sa Minneapolis, hinugot ni Karl-Anthony Towns ang 15 sa kanyang season-high 25 points sa third quarter stretch para igiya ang Minnesota Timberwolves (3-2) sa 123-95 paggupo sa Utah Jazz (2-5).

Show comments