Pirates tinablahan ang Cardinals

Lyceum's Shawn Umali (28) had 17 points for Lyceum.
NCAA

MANILA, Philippines — Pinatumba ng Lyceum of the Philippines University ang Mapua University, 86-82, para magtabla sa top spot sa second round ng NCAA Season 99 men’s basketball tournament kahapon sa Filoil Centre sa San Juan City.

Kapwa may magkatulad na 9-3 record ngayon ang Pirates at Cardinals.

Nagpatutok si Patrick Montano ng 18 points tampok ang apat na three-point shots para sa Lyceum, habang may 17 markers si Shawn Umali .

Nabalewala naman ang iniskor na 14 points ni Clint Escamis sa paghaha­bol ng Mapua sa fourth quarter.

Tumapos si Escamis, ang MVP race leader, na may 25 points.

“The players responded well, everybody stepped up,” ani Pirates’ coach Gilbert Malabanan.

Sa inisyal na laro, sinibak ng Emilio Aguinaldo College ang ‘three-peat’ champions Letran College, 82-69.

Naglista si JP Magulia­no ng 20 points para sa 7-5 marka ng Generals na nakahugot kina Nat Co­­sejo at Ralph Robin ng 18 at 16 markers, ayon sa pagkakasunod.

Naglaro ang tropa na wala si coach Jerson Cabiltes na kasama ng Nueva Ecija Vanguards sa MPBL.

Pinangunahan ni Kobe Monje ang Knights sa kanyang 14 points kasunod ang 10 markers ni Kevin Santos.

Lagapak ang baraha ng Letran sa 1-11.

Show comments