Embiid binanderahan ang 76ers sa Raptors
PHILADELPHIA — Humakot si Joel Embiid ng 28 points, 13 rebounds at 7 assists sa 114-99 panalo ng 76ers sa Toronto Raptors sa una nilang laro matapos i-trade si James Harden.
Maaari na ngayong tutukan ng Philadelphia (3-1) ang kanilang kampanya nang hindi iniisip ang estado ni Harden na dinala sa Los Angeles Clppers mula sa isang trade kasama si PJ Tucker.
“I don’t think we’ve ever had any distractions,” sabi ni Embiid. “You can see the way we’ve been playing and the way we’ve carried ourselves. I don’t think we’ve been bothered. Guys have been focused knowing that we’re still good enough.”
Nag-ambag sina Kelly Oubre Jr. at Tobias Harris ng tig-23 points kasunod ang 18 markers ni Tyrese Maxey.
Binanderahan ni Scottie Barnes ang Toronto (2-4) sa kanyang 24 points.
Kinuha ng 76ers ang 58-49 halftime lead bago tuluyang ibaon ang Raptors sa 90-77 sa fourth quarter.
Sa Phoenix, nagpasabog si No. 1 overall pick Victor Wembanyama ng season-high 38 points sa 132-121 pagpapalubog ng San Antonio Spurs (3-2) sa Suns (2-3).
Kumolekta si Devin Booker ng 31 points, 13 assists at 9 rebounds para sa Phoenix at may 28 markers si Kevin Durant.
Sa New Orleans, kumamada si CJ McCollum ng 33 amrkers para akayin ang Pelicans (4-1) sa 125-116 paggupo sa Detroit Pistons (2-4).
Sa Salt Lake City, umiskor si Paolo Banchero ng 30 points kasama ang layup sa huling 14 segundo para tulungan ang Orlando Magic (3-2) sa 115-113 pagdaig sa Utah Jazz (2-4).
- Latest