^

PSN Palaro

Quiambao, Ferrer umarangkada sa UAAP basketball

Philstar.com
Quiambao, Ferrer umarangkada sa UAAP basketball
Tantoy Ferrer ng UST at Kevin Quiambao ng La Salle
UAAP Media Bureau

MANILA, Philippines – Matapos magpamalas ng all-around plays nitong linggo, kinilala ang kontribusyon nina Kevin Quiambao at Tantoy Ferrer sa patuloy na pagragasa ng De La Salle Green Archers at UST Growling Tigresses.

Itinala ni Quiambao ang unang triple-double ng kompetisyon mula 2018 para sa La Salle sakay ng tatlong sunod na panalo habang si Ferrer ang trumangko sa pag-alagwa ng UST sa ikaapat na sunod na tagumpay.

Bunsod nito, hinirang ng Collegiate Press Corps sina Quiambao at Ferrer bilang UAAP Men's and Women's Players of the Week para sa petsa Oktubre 22-29.

Bumomba si Quiambao ng 17 puntos, 11 rebounds at 14 na assists sahog pa ang apat na steals sa 88-78 matamis na higanti kontra sa NU Bulldogs matapos magbuhos ng 22 puntos, 12 rebounds, anim na assists at limang steals sa 100-69 na pagtambak nila sa UST.

Hindi nagulat ang coaching staff ng La Salle sa ipinakitang laro ng nangungunang kandidato sa MVP na si Quiambao, bilang resulta ng tiwala sa sistema ng coach na si Topex Robinson.

"The trust that he has with his teammates and the trust that his teammates have for him, hindi mo siya masusukat, kasi during practice we see him and we're not surprised na nangyayari yun during the game," wika ni assistant coach Gian Nazario.

"The credit really goes to him because of the work that he puts in."

Pumoste ng triple-double na average si Quiambao sa dalawang panalo matapos magsalin ng 19.5 puntos, 11.5 rebounds, 10 assists, at 4.5 na steals bawat laban upang maging unanimous choice ng mga peryodista mula sa dyaryo at online.

Naungusan ni Quiambao ang kakamping si Jonnel Policarpio, LJ Gonzales ng FEU, at Gerry Abadiano ng UP para sa lingguhang pagkilalang handog ng San Miguel Corporation kasama ang minor sponsors na Discovery Suites at Jockey.

Sa kabilang banda, patuloy ang pagkinang ng laro ni Ferrer matapos makabangon sa anterior cruciate ligament injury noong Season 85.

Gumanti ang UST sa kanilang pagkakatalo sa UP Fighting Maroons sa tulong ng krusyal na three-point play ni Ferrer na nagpalawig ng kanilang lamang sa siyam.

Sapat na ang bentaheng naipundar ng UST upang mapabagsak ang Maroons, 74-72, buhat ng 19 puntos, siyam na rebounds, apat na assists, dalawang steals at isang tapal ni Ferrer.

Tinambakan naman ng UST sa gabay ni Haydee Ong ang De La Salle Lady Archers, 93-67, sa likod ng 10 puntos, siyam na rebounds, apat na assists at isang steal ni Ferrer.

Umangat si Ferrer laban sa katotong si Kent Pastrana, Tin Cayabyab, at Kacey dela Rosa ng Ateneo matapos maglaglag ng averages na 14.5 puntos, 9.0 rebounds, 4.0 assists at 1.5 steals.

"Iniisip ko na hindi ako pwedeng mawawala kasi isa ako sa inaasahan nina coach na mag-lead sa team at maganda na bumalik ako," ani Ferrer.

"Wala akong magagawa sa stats kung hindi sa mga coaches and teammates ko na nagtitiwala sa akin."

UAAP

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with