Team Philippines heroes welcome idaraos sa RMC
MANILA, Philippines — Pamumunuan ni Pangulong Bongbong Marcos ang grand heroes welcome para sa mga atletang nagwagi ng gintong medalya sa katatapos na 19th Asian Games sa Hangzhou, China.
Idaraos ang engrandeng seremonya sa Rizal Memorial Coliseum sa Manila ngayong hapon tampok ang ilang personalidad na dadalo sa programa.
Tatawagin itong “Gabi ng Parangal at Pasasalamat para sa Bayaning Atletang Pilipino,” kung saan nakahanda ang video presentations at production numbers.
Sentro ng atensiyon ang mga atletang nagbuhos ng dugo’t pawis upang mabigyan ng karangalan ang bansa kasama ang kani-kanyang mga coaches.
Pamumunuan ni PBBM ang paggawad ng Presidential citation at incentives ng mga atleta at coaches.
Nag-uwi ang Team Philippines ng apat na ginto, dalawang pilak at 12 tanso sa Asian Games.
Nangunguna sa listahan sina EJ Obiena ng pole vault, Meggie Ochoa at Annie Ramirez ng jiu-jitsu, at Gilas Pilipinas na umani ng gintong medalya.
Kasama rin sina silver medalists Eumir Felix Marcial ng boxing at Arnel Mandal ng wushu, at mga bronze medalists
Inaasahang darating din sina SBP chairman emeritus Manny V. Pangilinan, Chairman ng Metro Pacific Investments Corp., at Ramon S. Ang na siyang President at CEO ng San Miguel Corporation.
Dadalo rin si Philippine Olympic Committee President Abraham Tolentino.
- Latest