^

PSN Palaro

Creamline susubukan ang tibay ng Cignal

Russell Cadayona - Pilipino Star Ngayon
Creamline susubukan ang tibay ng Cignal
Kamakailan ay pinayagan ng Cool Smashers ma­nagement ang 2022 PVL Invitational Confe­rence Finals MVP na maglaro sa ibang bansa.
STAR/ File

MANILA, Philippines — Maglalaro ang Creamline na wala si Ced Domingo sa pagsagupa sa Cignal HD sa 2023 Premier Volleyball League Second All-Filipino Con­ference.

Kamakailan ay pinayagan ng Cool Smashers ma­nagement ang 2022 PVL Invitational Confe­rence Finals MVP na maglaro sa ibang bansa.

Kakampanya si Domingo sa Nakhon Ratchasima team sa Thailand league.

Nakatakdang labanan ng Creamline ang Cignal HD ngayong alas-7 ng gabi matapos ang bakbakan ng Petro Gazz at Gerflor sa alas-4 ng hapon sa Batangas City Sports Center.

Humataw ang Cool Sma­shers ng 25-18, 25-16, 24-26, 25-21 panalo sa Cho­co Mucho Flying Titas.

Sa nasabing tagumpay ay tumapos si Bernadette Pons na may 22 points tam­pok ang 11 excellent digs at 7 receptions at may 20 markers si Mi­chele Gu­mabao.

“Happy kami kasi si­yempre first game namin, na­nalo kami,” sabi ni head coach Sherwin Meneses.

Nangibabaw naman ang HD Spikers kontra sa PLDT Home Fibr, 25-16, 20-25, 25-21, 25-20.

Samantala, target din ng Petro Gazz ang maitala ang 2-0 record sa pagharap sa Gerflor na bigo sa unang salang sa torneo.

Wialis ng Gazz Angels ang Galeries Hotel Highri­sers, 25-11, 26-24, 25-22, pa­ra sa coaching debut ni Timmy Sto. Tomas.

Hangad naman ng De­fen­ders na makabangon mula sa masaklap na 18-25, 14-25, 19-25 pagkatalo sa baguhang Nxled Cha­­me­leons sa kanilang unang la­ro sa torneo.

vuukle comment

CIGNAL HD

PVL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with