MANILA, Philippines — Winakasan ng Emilio Aguinaldo College ang tatlong sunod na ratsada ng College of St. Benidle matapos itakas ang 78-76 panalo sa NCAA Season 99 men’s basketball tournament kahapon sa FilOil Centre sa San Juan City.
Humakot si veteran big man JP Maguliano ng 17 points at 12 rebounds para sa 5-3 baraha ng Generals, habang may 3-3 marka ang Blazers.
Nagdagdag si Ralph Robin ng 16 markers mula sa kanyang 4-of-9 three-point shooting.
Kinuha ng EAC ang 78-75 bentahe mula sa fere throw ni King Gurtiza sa dulo ng fourth quarter matapos idikit ni center Will Gozum ang St. Benilde sa 75-77 sa nalalabing 12.7 segundo.
Huling naghamon ang Blazers sa Generals sa 76-78 agwat galing sa foul shot ni Robi Nayve.
Umiskor si Nayve ng 13 points sa first half para ibigay sa St. Benilde ang 56-48 kalamangan papasok sa third period.
Isang 8-1 atake ang ginawa ng EAC para makalapit sa 53-57 patungo sa pag-agaw sa 65-59 bentae papasok sa fourth quarter sa likod nina Robin at Maguliano.
Tumapos si Nayve na may 23 points, 8 rebounds at 3 assists para sa Blazers.
Sa ikalawang laro, sinagpang ng San Beda Red Lios (6-2) ang 76-53 panalo sa San Sebastian Stags (3-6).