^

PSN Palaro

Bonus sa ROTC Games National Finals winners

Russell Cadayona - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — May inihandang cash incentive si Sen. Francis ‘Tol’ To­lentino para sa mga cadet-athletes na hahataw ng gold medal sa 2023 Philippine Reserve Officers Training Corps (ROTC) Games National Championships.

Ito ang sinabi kahapon ni Tolentino para sa nationals finals na nakatakda sa Oktubre 22 hanggang 28 sa ilang venues sa Metro Manila.

“Mayroon din iyan, pero hindi pa natin sasabihin. Kaya magiging exciting itong mga susunod na araw,” wika ng ‘prime mover’ ng ROTC Games.

Maglaban para sa gintong medalya ang mga fina­lists ng Philippine Army, Philippine Air Force at Philippine Navy sa boxing, kickboxing, athletics, basketball 3x3, arnis at e-sports.

Sa National Championship malalaman kung sino ang pinakamagagaling na cadet-athletes matapos ang idinaos na qualifying legs sa Visayas Leg (Iloilo City) no­ong Agosto 13-19, sa Mindanao Leg (Zamboanga City) no­ong Agosto 27 hanggang Setyembre 2, sa Luzon Leg (Cavite) noong Setyembre 17-23 at sa National Ca­pital Region Leg (Manila) noong Oktubre 7-17.

“Lahat ng mga magagaling (sa regional legs) maglalaro dito (sa National Championships). Pati iyong sa boxing, pati iyong sa e-sports,” sabi ni Tolentino.

Samantala, malalaman ngayong hapon ang kokoronahang Miss ROTC Philippines sa Cuneta Astrodome sa Pasay City kasunod ang opening ceremonies bukas ng hapon.

ROTC

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with