^

PSN Palaro

Netizens ipinagtanggol si Obiena

Chris Co - Pilipino Star Ngayon
Netizens ipinagtanggol si Obiena
Asian Games gold medalist EJ Obiena answered questions from the media during his visit to his alma mater, Chiang Kai Shek College (CKSC), in Tondo, Manila on October 6, 2023
Jun Mendoza

MANILA, Philippines — Dinepensahan ng netizens si world No. 2 at Asian Games gold medalist Ernest John ‘EJ’ Obiena sa gitna ng alegasyon ng doping.

Kaliwa’t kanan ang komentong ibinigay ng ilang netizens upang ipagtanggol ang Pinoy pole vaulter sa akusasyon ng asawa ni French pole vaulter Re­naud Lavillenie na si Anais.

Ilang netizens pa ang nagkomento sa personal na account ni Renaud sa social media upang ipara­ting ang pagkakadismaya ng mga ito.

Matatandaang nagkomento si Anais sa isang post ng isang magazine sa Facebook kung saan sinabi nitong “Obiena doped and it’ll fall like Braz. Same coach, same plan.”

Binura na ni Anais ang komento nito. Subalit hindi nakawala ang komento sa netizens dahil mayroon itong screenshot.

Agad namang sumagot si Obiena na masama ang loob sa alegasyon sa kanya.

Mabigat na akusasyon ang doping sa mga atleta dahil nadudungisan nito ang kanilang pangalan.

Kaya naman pinag-a­ara­­lan ng kampo ni O­biena na dalhin ito sa usaping legal.

Sariwa pa si Obiena sa matamis na pagkopo ng gintong medalya sa katatapos na 19th Asian Games sa Hangzhou, China kung saan binasag nito ang Asian Games record.

Lumundag si Obiena ng 5.90 metro para burahin ang 5.70m na naitala ni Seito Yamamoto ng Japan noong 2018 Asian Games sa Jakarta, Indonesia.

ERNEST JOHN ‘EJ’ OBIENA

SPORTS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with