Tapales nanggigigil na kay Inoue

Marlon Tapales.
STAR/ File

MANILA, Philippines — Ngayon pa lamang ay gigil na si Pinoy world super bantamweight Marlon Tapales na bugbugin si Japanese titlist Naoya I­noue tatlong buwan bago ang kanilang unification championship fight.

Suot ni Tapales ang kanyang mga World Bo­xing Association (WBA) at International Boxing Federation (IBF) crowns  habang bitbit ni Inoue ang World Boxing Organization (WBO) at World Boxing Council (WBC) belts.

Magtutuos sina Tapales at Inoue sa Disyembre sa Japan.

Tiniyak ni MP Promo­tions president Sean Gibbons na mangyayari ang contract signing ng dalawang unified super bantamweight champions sa susunod na mga linggo.

“Marlon is known for his never give up attitude despite the tall odds. He fights at any given situation, he adjusts, and never fear,” ani Gibbons.

Dadalhin ng 31-anyos na si Tapales ang kanyang 37-3-0 win-loss-draw ring record tampok ang 19 knockouts, samantalang may malinis na 25-0-0 marka ang 30-anyos na si Inoue kasama ang 22 KOs.

Nagmula si Tapales sa isang split decision win kay Murodjon Akhmadaliev ng Uzbekistan noong Abril.

Show comments