Pinas may tanso sa sepak
MANILA, Philippines — Nakahirit ng tansong medalya ang national sepak takraw team sa 19th Asian Games na ginaganap sa Hangzhou, China.
Nagkasya lamang sa tanso ang Pinoy squad matapos yumuko sa Indonesia sa men’s quadrant semifinals kahapon.
Lumasap ang Pilipinas ng 15-21, 25-24, 21-17 kabiguan sa kamay ng defending Asian Games champion Indonesia.
Binubuo ang sepak quadrant team nina Jason Huerte, Mark Joseph Gonzales, Rheyjey Ortouste, Ronsited Gabayeron, Jom Rafael at Vince Torno.
Sa athletics, pasok sa finals ang men’s quartet sa 4x400 men’s relay matapos manguna sa Heat 2 sa Hangzhou Olympic Sports Centre Stadium kahapon.
Nanguna sa ratsada ng Pinoy squad si Umajesty Williams na nagsumite ng 44.16 segundo kasunod si Michael del Prado na may 45.88 segundo.
Sumunod sina Joyme Sequita at Frederick Ramirez na may 46.74 at 49.37, ayon sa pagkakasunod para sa bagong national record na 3:06.15.
Pasok din sa finals ang women’s 4x400 Philippine team nina Lauren Hoffman, Robyn Brown, Angel Frank at Maureen Schrijvers.
- Latest